Biyernes, Enero 25, 2019
Alamat ng Upuan
Noong unang panahon sa purok 6 Villa Kananga may roong isang prinsepe na pinapangalanan na Upwan Kwadrado ng kanyang tatay na si hari Kuldura Kwadrado at nanay na si reyna Untura. Sa simula, sa kabataan ni Upwan napaka tamad na nito palagi na naka utos sa mga alipin at hindi ka kaupo ang alipin dahil sa napaka dami na utos. Lumilipas ang ilang taon naging makisig na ang prinsepe ngunit tamad pa rin at napaka sama nang kanyang ugali. Narinig ng isang dyosa ang ugali ng prinsepe nag pasya ang dyosa na bibisitahin niya ang binatang prinsepe bilang isang alipin. Pumunta ang dyosa sa barangay at nag tanong sa mga kabayan, pagkatapos pumunta ang dyosa sa bahay ng prinsepe at nag trabaho. Mula sa araw na naging alipin ang dyosa sa prinsepe wala pa itong ka upo, napaka pagod na ng dyosa at naka upo lamang ito kapag tulog ang prinsepe. Isang araw inutos ng prinsepe ang tahimik na dyosa ng kape, ginawa ng dyosa ang utos, tinikman ng prinsepe ang kape at tinapon ito habang sumisigaw sa takot na dyosa, gumawa uli ng kape ng dyosa at ganun parin ng yari sa paulit ulit na pag gawa ng kape ng dyosa nagagalit na ito. Sa wakas nagpakita na ang dyosa sa harap ng prinsepe. Nagulat ang prinsepe habang sumisigaw ang dyosa sa kanya kong ano ang mga masamang gawi ng prinsepe. Lumabas ang hari at reyna sa kanilang kwarto at nakita nila kong paano naging kahoy ang kanyang kamay at paa at nawala ang kanyang mukha. Umiiyak ang hari at reyna habang paalis na ang dyosa sa kanilang tahanan.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)